My love for you for will never end..............
PILOSOPIYA NG PAG IBIG AYON KAY BOB ONG
Tuesday, November 11, 2008
2 comments

nakita ko lang to pinost ng isang friend ko sa friendster..
wala lang..napa-"OMG oo nga!" lang ako..
;]
.
1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng
motibo para mahalin ka nya.."
.
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak
ng iba."
.
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
.
4. "Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
.
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili
mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang
pansinin."
.
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa
buhay mo.. Dapat lumandi ka na din."
.
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga
susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
.
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagdurusa."
.
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag kang magreklamo. Kasi may mga
tao rin na di mo mahal pero mahal ka naman.. Kaya quits lang."
.
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi ...
hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."
.
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama
sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at
magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly,
sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."
.
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang
kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang
mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."
.
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin
maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
.
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung
bida sa script na pinili nya."
.
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
.
16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay
sa paggawa ng wala"
.
17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi
lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"
.
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong
sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa
katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo
naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa
rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga
sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung
matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang
may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
.
19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na
pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang
nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."
.
20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo.
Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
.
21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag
nahulog ka naman, it's either by accident or talagang tanga ka.." ...




~acetylsalicylate


music please!


moi :)
im yours forever..<3




NAME
shyrr - -
~89--eNgArEm
~23--AkTiNoS
- - d e e c y

school
University of British Columbia
- Okanagan

Date of Birth
09.09.1991

horoscope
virgo


other's paradise

~ bes~
~ nao-sama~
~foon~
~jess~

* pinaypraning *
* ad1kgurl *

greenpinoy.

- my chem teacher -

Credits

Design

send me your note



`rewinded memories //-

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
April 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
October 2009