*smiles*
Friday, October 12, 2007
0 comments
isang matamis na haha.
haha. wla akong maisusulat kundi haha. haha. masaya. oo masaya. kahit sinong taong nasa kalagayan ko, alam kong tatawa rin tulad ng ginagawa ko.
masaya ako dahil ang grading system dito hindi kasama ang recitation. so kahit tumahimik ako maghapon basta ma-perfect ko ang test i'll surely get an A. haha. diba. kasi alam mo mahiyain akong tao..nung nakilala niyo kasi ako medyo marunong na akong sumigaw eh. haha. pero tahimik lang talaga ako..kahit alam ko yung sasabihin ko..parang nabablangko ako pag irerecite ko na. eh takot pa naman akong mapahiya. kaya nung una di talaga ako nagsasalita. tapos ang galing kasi hindi na kailangan magtaas ng kamay pag sasagot..kahit sabihin mo na lang pwede na. nagtaka nga ako kasi pano naririnig un eh ang dami namin..iyon pala kasi nung tiningnan ko yung ceiling parang may mga butas na akala mo mga racks nung itlog na isinampa dun. bigla ko naalala ung avr nung teatro. natawa ako. haha.
masaya ako dahil finally makakatrabaho na ako. whoo. sa unang pagkakataon magkakaraon na ako ng pagkakataon na gumawa ng pera ng sarili kong mga kamay. para kasing ang sarap nun dahil alam mo kahit ano ng mangyari sa buhay mo kaya mo ng buhayin ang sarili mo. dahil alam mo na kung pano kumita. pero wag ka muna masyado ma-excite. di pa naman ako tanggap. sinabi ko lang pwede na akong magtrabaho. 16 kasi ang legal age dito. kung gusto mo habang binabasa mo ito nag-aaply na ako ng driver's license. ang lagay nga lang eh wala pa akong kotse. haha. mahaba pang ipunan yun, kailangan ko muna ng laptop. macbook. para puti tsaka wala ng right mouse key. tapos nun bibili ako ng exercise machine. pinangako ko na bago ako magdebut payat na akO! haha. tama lang un. pag kasi lumagpas na ako ng 18 na di pa rin ako payat, wala ng pag-asa. so aun. tapos nun, yung pang-college ko na. masyado akong ambisyoso at gusto ko magmedicine sa harvard. haha. libre naman mangarap diba. kaso ang mahal talaga dun. at saka kung dun ako mag-aaral, mag-isa ako dun sa states. maiiwan sila dito kaya kailangan may pera din ako dun. medyo ang layo na natin noh. ang gusto ko lang naman sabihin eh nag-apply ako sa mcdonalds pero hindi pa nila ako tinatawagan. kasi online application un. eh dahil wala pa siguro ako experience. hindi ako mapipili agad. haha.
masaya ako kasi araw-araw nakikita ko ang tatlong klase ng tao sa locker ko. una, mga taong may green na checkered na palda. ung isa naman, may pantalon na itim. ung isa naman, nakasuot ng pang-teacher. napapa-haha nga ako pag nakikita ko sila eh. nakangiti sila pag tumitingin ako. parang hindi nagsasawa na ipaalala sakin na dun ako galing. tapos mapapa-haha ulit ako nung makita ko ung isang pang set. may mga naka-peace, may naka \m/ tapos may nakasigaw, may nakatawa. lahat na. nakakatawa sila. parang ibinuhos lahat ng tuwa ng mundo sa mga kilos nila. parang hindi na matatapos ang lahat ng kasiyahan. pero pagkatapos ng isang segundong "click" ng camera. natapos na ang lahat. kailangan na nila magpaalam. hindi naman sa hindi na magkikita, pero kailangan na nilang mabuhay sa magkakaibang landas. kailangan na nilang masanay. hindi na sila lalakad papunta sa kulay green na gate at naka-aspaltong quadrangle. hindi na sila lalakad sa tatlong bahagdang struktura kung san sila natutong tumawa, umiyak, makipag-away, makipagbati, labanan ang lahat ng bagay na sumagabal sa kanila. hindi na sila makikinig sa mga nagturo sa kanila ng mga pinakamahirap na subjects sa buong mundo, na tinuruan din silang mabuhay ng may dangal at respeto sa mundo at sangkatauhan. pero kahit hindi na nila magagawa ang mga iyon, libre pa rin naman silang tingnan ang isang segundong larawan na nagpapakita ng saya sa apat na taong nagdaan nilang magkakasama. haha. nakakatawa talga. tapos isasarado ko na ang locker ko. pupunta na ako sa classroom ko.
paglakad ko palabas ng green na gate na iyon. magiging doktor na ako. doktor na dala ang mga ngiti ng mga taong hindi ko na makaklimutan sa buong buhay ko. at sana naaalala mo. na tuwing umuuwi ako dati. may isang taong nasa tabi ko, handang lakarin ang buhay kasama ako. at sana nababasa niya to ngayon. pero kahit hindi, alam naman niyang siya ang buhay ko. pero hindi ko na tatawanan to. malungkot dahil mag-isa ako. pero ayos lang. sobrang magiging masaya ako pag nakita ko na siya pagkatapos ng tatlong mahabang taon:)
~acetylsalicylate