My love for you for will never end..............
.
Friday, July 06, 2007
0 comments

wala ako maisip na title.
ewan ko b.
kasi gusto ko lang sabhin kung ano man gusto ko.
a title always encloses its body.
kapag bingyan ko na ng title, hindi na ako pwedeng mawala sa title.
di ko na pwede isulat ang hindi niya sakop.
para ano pa at nilagyan ko siya nun.

naging duwag na kaya ako. dati kahit hindi ko alam ang laban tumutuloy ako. pero bakit sa pagkakataong ito. huminto ako at itinago ko sa'yo. siguro ganon lang talaga. mahirap pumunta sa giyera na wala kang sandata. hindi ko din masisisi ang sarili ko. totoong ang magpapatigil lang sa'yo ay ang kaalamang hindi ka mananalo. pag nalaman mo na masasaktan ka lang. hindi ba nong bata ka pa. naglakad ka at tumakbo at naglakad. pero nung nalaman mo gaano kasakit madapa. hindi ka na basta-basta tumakbo o naglakad. ganon din sa isang laban. hangga't hindi mo nararanasan ang sakit ng pagkatalo. hindi ka titigil kahit ano man ang mangyari sa'yo. napagod na nga ba ako at nagtanda. o tinuloy ko pa rin ang laban. pero ginamit ko lang sila. sa pag-aakalang inaayos ko ang lahat. pilit kong ipinaparating na para ito sa ikabubuti nila. pero sa huli sila ang nasaktan ko. duwag ako. natakot akong matalo. natakot akong lumaban. hindi ko ipinaglaban kung ano ako. hindi ko namalayan na sa huli ako lang ang walang sugat. para saan pa ang huling halakhak. kung ang kasama ko'y wala ng galak?

mali ba na baguhin ko ang tadhana. matagal ko ng alam na hindi ako ang para sa kanya. pero lintik na lang ang pagkakataon. bakit kung kelan alam kong mali pala tsaka ako nahulog. hindi ba't mas madaling umalis sa isang pag-ibig na nagsimula na bago mo pa malamang mali pala. kaysa sa pag-ibig na alam mong mali na pero heto't nahulog ka pa rin pala. saan ka pa tatakbo. kung ang pinakamatinding pagsubok nito ay nalampasan ko na. ano pa ang magagawa ko. pakiramdam ko nasa ilalim na ako. nahulog ako ng sobrang lalim. hindi ko na alam pano ako tatayo. wala na akong magagawa kundi mabuhay na lang sa ilalim na ito. kung nakikita ko lang ang puso ko. siguro sobrang sakit na nito. pero ano ang magagawa ko. ayon ang tadhana. mali nga bang pilit kong binabago ito. mas lalo nga lang ba akong nasasktan habang pilit kong tinatanggal ang sakit sa puso ko.

bakit dumating ka pa. hindi ko maintindihan. kung hindi ikaw bakit dumating ka pa. pilit ko ng binbura ang lahat. pero dumadating ka pa rin kung kelan ako aalis na. lagi mong ipinaparamdam na hindi ako dapat sumuko. bakit ba hindi ako susuko. ikaw lang naman ang makakapag-paakyat sa'kin mula sa kalalimang ito. sabihin mo. dapat pa ba kitang hintayin. sabi mo hihintayin mo ako. pero ano. pag nagkita tayo. ano na ang mangyayari satin. magiging duwag ka rin ba para iparamdam mo at ipaglaban mo ako. kahit ano naman ang sabihin ko. hindi pa rin ako makawala sa'yo. kanino ako hihingi ng tulong.




music please!


moi :)
im yours forever..<3




NAME
shyrr - -
~89--eNgArEm
~23--AkTiNoS
- - d e e c y

school
University of British Columbia
- Okanagan

Date of Birth
09.09.1991

horoscope
virgo


other's paradise

~ bes~
~ nao-sama~
~foon~
~jess~

* pinaypraning *
* ad1kgurl *

greenpinoy.

- my chem teacher -

Credits

Design

send me your note



`rewinded memories //-

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
April 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
October 2009