My love for you for will never end..............
haha.
Thursday, April 26, 2007
0 comments

haha.
wala lang.
dont ever mind the title.


nandito pa rin naman ako.
buhay, gumagalaw, naglalaro.
naglalaro.
oo naglalaro.
nakikipaglaro.
saan?
sa oras.
sa panahon.
sa pagkakataon.



hindi ko alam bakit naging ganon.
pinag-isipan ko ng matagal.
matagal.
araw-araw.
buong gabi.
hangga't may oras.
hanggang maubos ang oras.


plinano ko ng mabuti.
pag ganito, ganito.
pag ganyan, ganyan.


nakapagdesisyon na ako.
oo.
alam mo ba?
matagal na to.
kaso.
sabi mo mangako ako.
oo.
nangako ako.
tumupad lang ako.


pero bakit ganon?
plinano ko na wag mo ng malaman.
haha.
oo.
ako lang ang makakaalam.
ng ano?
ng saya.
ng galak.


ng sakit.
ng hapdi.
iniibig kita.
ano?
oo tama ang narinig mo.
iniibig kita.



hindi mo dapat malaman.
bakit?
sabi mo sa pangako.
hinding-hindi ako dapat umibig sa'yo.


hindi ko sasabihin.
bakit?
mahihirapan ka.
diba nahirapan ka nga sa kanya?
ayokong maging pabigat sa'yo.
gusto ko maging masaya ka.
kasama ako.
bilang kaibigan mo.


pero bakit ganon?


tama ang plano ko.
alam kong nkatakda na ang buhay mo.
ikaw na ang nagsabi.
may taong nakatadhana na sa'yo.

kaya hindi na dapat ako makigulo.
ayokong isipin mo ako.
isipin bilang isang nasasaktang tao.
gusto ko maging malaya ka.


tama lang di ba?
pero bakit klngan kong magsisi.
na hindi ko sinabing.
mahal kita?


haha.
hanggang ngayon.
naglalaro.
nakikipaglaro.
sa pagkakataon.
na dapat araw-araw sambitin ko sa'yo.
sa panahon.
malayo na tayo sa isa't-isa.
sa oras.
dahil hindi ko na iyon mbabalikan pa.


buhay canadian?
Monday, April 16, 2007
0 comments

"flight 046 Air Canada from Tokyo to Vancouver, arrived safely at Vancouver International Airport at exactly 11:05 am this 3rd day of April, 2007"

haha..yan ung unang mga salitang narinig ko nung pumsok ako sa bansang toh! CANADA. hmm..actually mtagal ko nang pangarap toh! Grade 5 pa lng ako nun nung tinanong ako ni mama kung gusto daw namin pumunta dun. At xmpre..dhl bata pa ako..ang alam ko lng d2 eh mgnda to at may snow. sa super init ng pilipinas gugstuhin mo tlgang mgkasnow. kaya kht anong mangyari gusto ko pumunta dun! mrunong ako mag-ice skating kaya alam ko nde ako mhhrpan..hahaha..nkktwa noh..prang adjustment lng eh ice skating..

pumasok ang high school days ko at akala ko patay na ung pangarap na iyon. hindi ko inaashan nung april bago ako magthird year eh tinatanong na ako kung gusto ko na pumunta dun. hayy..bsta mhbang story..mmya ko na dudugtungan ung emo na yan..balik muna ako sa buhay dito.

pagkababa ng eroplano sa lupa..una kong nkta sa bintana ko ung mga bundok na may yelo sa taas. wow! akala ko editted lng ung mga nkkta ko sa postcards kxe prang impocble na sa taas lng ngyeyelo. un pla hnd. gnon pla tlg un. haha.

pagkalapag ko sa airport xmpre thmk ka lng muna. alam mong nag-iingles ang mga tao dito at kung pwede tumingin-tingin ka lng muna. hayy..alam mo bang wlang aircon ang airport? poor noh. nde. nde klngan ng airport ng aircon. dhl ang labas mukhang aircon na. ang nand2 sa airport ngyon ay heater, sa tagalog pang-painit. hahaha. nasabi ko sa sarili ko, kung sa pilipinas may heater malamang todo nagmumura na ang mga tao dahil sa sobrang init dun ay hnd mo kailngan ng pampainit. hahaha.

ung tita ko nkatira na dito for 17 years. at sapat na un pra iguide kmeng mga bagong pasok pa lng noh! hehe..cla ung nagsundo smen d2 sa airport. tpos ung bahay nila kxe may taas at baba..normal lng un dhl lahat ng bahay dito ay may basement at first floor..hehehe..nkktuwa at makakakita na rin ako ng basement. pinauupahan ung first floor kaya dun kme titira, xmpre mgbabayad. wla namang libre dito. joke. may libre din dito. libre na ung aircon. ung ginaw. haha.

at buti na lng tlga ang talino ng mama ko. lahat ng damit na dala nia ay lahat na ng jacket sa closet ko. pag lumabas ka, prang 20x ng lamig ng einstein. matapang na ang hindi magmedyas at magpantalon. dakila ka kung magsasando ka at magmimini skirt sa ganitong spring. at kahit sa loob ng bahay, hindi man lang ako makapagshort o kya magtshirt. laging may jacket o kaya sweater. hayy, anhrap noh. hnd ka tlga pagpapwisan dito pero sobrang manginginig naman ang ktwan mo sa gabi. tatlo na ung kumot ko pero giniginaw pren ako. haha.

dito walang tricycle, pedicab at jeep. lahat ng tao dito may kotse, o kung wala naman magtiis ka maglakad. bus lang at tren ang meron dito, at ang bus ay dumadaan kada isang oras. haha, di tulad ng pilipinas na kht anong oras pwd kang sumkay ng jeep o bus o tricycle o pedicab. narealize ko na importante nga dito ang oras. kung malapit lng, e di lakarin mo. pag malayo, dpat abangan mo ung bus. xmpre hnd rin pwdng kung saan saan ka lng sasakay. merong tatlong malapit na bus stop dito, at dun lng pwd. haha. pag tatawid ka, pipindutin mo ung button sa may poste nung stoplight, at may sensor ung bawat stoplight kaya kung wla nmang kotse eh bbgyan ka ng allotted tym pra tumwid. cguro mga 15 seconds kugn mlpt lng tas maximum na ng 30 kung malayo.

malapit lng kasi ang mall, park at grocery sa bahay namin. saya noh, kya pumunta ako sa mall. akalain mo nga naman na mainit ang mall. wla ng aircon na tulad sa pinas sa pinto pa lng may may air curtain. haha. tama lng na mainit ang mall, kundi namatay na kmeng lahat kung may aircon dito. at xmpre mejo umaga ako pumunta, at spring ngayon, may pasok pa ang mga bata. kaya kadalasan mo makikita sa mall ay mga matatanda. nkkgulat dhl kht disabled ay may sriling mobility device, ung prang wheelchair na may kotse, saya noh, kht matanda na cla cla pren ung nagogrocery at namamalengke. pag dun ka tatawid sa wlang stoplight, automatic hihinto ang kotse para sayo. mglang db? haha.

tungkol sa presyo. alam naman natin na dolyar ang pera dito at hindi piso. kaya mkkta mo ang isang set ng personal computer sa halagangg $999.99, hindi ka namamalikmata at hnd rn yan isang libong piso. isang libong dolyar yan, at ang isang dolyar ay nagkakahalaga ng Php45. haha, akala mo mura noh? pero yan ang binili kong pc. windows vista n yan, at ung monitor na ksma ay ung manipis lng at widescreen. dito wla nga plang dial-up connection, DSL lng o kya ung wireless. ngyon gamit ko pa lng itong laptop ko na may wireless connection. sa wednesday pa kxe ikakabit ang DSL nmen.

tungkol sa araw. atrasado ng eksaktong 39 oras ang oras dito laban sa oras ng pinas, ibig sbhn kung alas dose na dito ng gabi, april 16, sa pilipinas ay alas tres na ng hapon april 17. kaya ang hirap abutan ng mga kaibigan ko kasi kailngan gabi na ako maginternet kxe sa kanila hapon pa lng. dito magugulat ka kasi ang araw ay hindi pa bumababa ng alas singko ng hapon. oo, kung dati ay naglalaro ako sa labas at kung dumilim na ay papasok na ako dahil alam kong alas-sais na, ngayon hindi na, dahil kung susundan ko iyon ay didilim dito mga alas nuwebe na ng gabi at sobrang late na ako. kaya sobrang nahihirapan ako matulog, nakaktulog ako mga ala-una na, dahil dun tlgang madilim na. tpos gigising ka ng alasdose ng tanghali at mukhang alas-otso sa pinas ung araw dahil wla pa sa tuktok ng ulo mo.

hayy..gnon man kaganda ang buhay dito, eksaktong mga oras bago ako sumakay ng eroplano ay gusto ko ng magback-out. totoong pinangarap ko ang mbuhay dito, pero bakit kailangan pa nilang ipakilala sa kin ang masayang buhay sa pilipinas na hnd mtutumbsan ng kahit anong lamig o ganda ng lugar na toh? bkt pa nila sken ipinatikim ang saya ksma ng mga kaibigan ko sa pag-aaral ko ng highscool? bkt klngan pa nilang iaward sken ang 7th honorable mention at ang pgkakataong makapasa sa unibersidad ng pilipinas sa kursong gusto ko kung papupuntahin pa nila ako dito? i mean, kasi wla na toh sa plano nung dumting ang visa ko. maayos kong inaayos ang buhay ko sa pilipinas. mgnda ang buhay ko dun. hnd ko kailngan ng snow ng dolyar o ng mgndang bahay. kailngan ko ung saya na mbuhay dun. ung syang hnd mo mbibili. saya na mksma ung mga kaibigan ko, ung mga ngng parte ng buhay ko. alam ko naman na kaya ko dun eh, kht nga mag-isa lng ako, dahil alam ko na matalino ako at kasama ko ung mga taong pwdng tumulong sken ng wlang kapalit. kaso itinadhana na nag-iisa lng ako sa pamilyang ito na ayaw lumipad. lahat cla gusto. at anong mggwa ko? sabi ko nga iwanan n lng nila ako dito pero ayaw nila. kaya no choice ako.

at mukha mang masaya ako sa pagdedescribe ng buhay ko dito ay hindi tlga. gusto ko lng sabihin na napipilitan lng akong mabuhay dito, kahit na cnb sken ng tatay ko na pangarap ng bawat pilipinong makapunta at mabuhay ng ibang bansa. pero ibahin mo ako dhl hnd ko pinangarap ito sa ganitong edad. alam mo b kung anong pngrap ko? simple lng. mkatapos ng pag-aaral sa pilipinas, makapagtrabaho ng maayos. mgkaroon ng msyang pamilya sa bahay na ako ang nagptayo, kasama ng taong pinakamamahal ko. totoo pangarap ko malibot ang mundo, pero hindi ang tumira sa ibang mundo. gusto ko lilibot lng ako sa mundo, ksma ung pamilya ko. gusto kong mamatay sa lugar kung saan ako ipinanganak, sa pilipinas. ksma ko ung mahal ko sa libing. ayon. un lng. simple lng un at alam kong kaya ko yon kht sa pilipinas lng ako. tma ako db?








music please!


moi :)
im yours forever..<3




NAME
shyrr - -
~89--eNgArEm
~23--AkTiNoS
- - d e e c y

school
University of British Columbia
- Okanagan

Date of Birth
09.09.1991

horoscope
virgo


other's paradise

~ bes~
~ nao-sama~
~foon~
~jess~

* pinaypraning *
* ad1kgurl *

greenpinoy.

- my chem teacher -

Credits

Design

send me your note



`rewinded memories //-

July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
April 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
January 2009
February 2009
March 2009
April 2009
May 2009
June 2009
October 2009